Wednesday, February 27, 2013

Monologo Video (Bagong Abogado) - Paul Sto. Domingo


Monologo Video - Vince Florendo (T-shirt)


Sariling Papel (Tula) - Paul Sto. Domingo


Sariling Papel

Palaging sambit ng aking mga kamag-aral
Kapag kinakailangan na ng papel:
“Sino ba ang may one-fourth?
Pahingi naman ako ng isa?”


Di ba responsibilidad nating mga mag-aaral,
na dapat palagi tayong magdala ng papel?
E, bakit madalas na nangyayari
ang paghihingi at paghahanap?


Kung ang isang maliit na papel
ay hindi mo pa madala,
paano pa kung ang papel na ito,
ay isang mahalagang kontrata?


Nasayang na panahon sa oras ng pagsusulit
Sa isang responsibilidad na dapat ay nagampanan.
Hindi naman masama ang manghingi o magbigay,
Ngunit may mga bagay na dapat tayo ang may pananagutan.


Bilang mag-aaral, magandang simulain
Ang pagdadala ng gamit sa ating pag-aaral.
Disiplina at responsibilidad ay kailangan
Upang tagumpay ay ating makamtan.

Monologo - Paul Sto. Domingo



Tama o mali? Sino ang may sala? Mga tanong na kay hirap sagutin, di ba? Higit sa lahat, paano ko ipagtatanggol at bibigyan ng katarungan ang aking hinahawakang kaso?

Haaayyy… Bagong abogado lang ako! Mabuti na lang at nakakuha ako ng sapat na ebidensiya upang ipagwalang-sala ang aking kliyente. Ganon!

Ngunit, ako' y nagulat sa aking nalaman...

Hindi pala ang aking kliyente ang nagmamaneho ng sasakyan nang ito'y makasagasa ng bata at sawingpalad na namatay. Pero, bakit nya sinabing siya ang nagmamaneho at dinahilan ang kanyang pagkalasing kaya't di nya napansin ang pagtawid ng bata? Hmmm..? 

Yun pala, kasama nya ang binatilyo nyang anak nang gabing iyon at sila ay dumalo sa isang kasiyahan. Napasobra daw ang inom nya ng alak kung kaya't inutusan nyang magmaneho ang kanyang anak. Nakupo! E, labing-anim na taong gulang pa lang yung anak nya at wala pang lisensya! Utusan bang magmaneho!?

Kaya, nang makaaksidente, bilis-bilis na nagpalit sila ng upuan sa kotse, at nang dumating ang pulis upang mag-imbistiga ay sinabi ng aking kliyente na siya ang nakabangga.

Paano na ngayon? Paano ko ipagtatanggol ang aking kliyente kung alam ko na ang totoong pangyayari?

Nasaan ang hustisya? Sino ang tunay na may sala?!

Repleksyon sa Activity 4 - Vince Florendo


Napakaganda yung mga pinakita ng mga tao sa paglahok nila sa pinili nila karakater. pinakita kung pano ka-importante ang wika.
At ipinakita na kung walang wika, walang saysay ang buhay.

Monologo - Vince Florendo


Hay salamat, napakapresko ko ngayon… mmmm amoy downy, hay sarap humiga dito sa closet…. Oyyyy oyyy bat maaraw??? Isara mo nga yan napakalaking champaw naman ito…  aalis ka nanaman??? Saan nanaman papunta tong jabarwookees na ito??? hoy wag ako ang piliin mo… napakainit ngayon tapos magiitim ka??? Okay ka din ahh.. wag ako please maawa ka naman.. buong araw ka pa naman bibilad sa araw… ibig sabihin… buong araw ka mangangamoy…  hooooy wag ako!!!!!!!! Wala din ako magagawa eh… nasuot mo na din eh.. okay eenjoy ko muna yung moment na kakaligo mo palang… mmmmm nivea bango.. okay naglalakad ka na… bat… bat may naamoy na ako???? Wala pa ngang 5 mins mabaho ka na agad??? Naglalakad ka palang sa lagay na  yan ahh….  Hala hala hala!!!!!!!! Napapawisan ka na agad??? Kinakabahan ka ba?? Nakaircon naman kotse mo, bat ka nakjajabarwokees??? Oh Lord please help me… 

Kinabukasan Mo (Tula) - Vince Florendo


Kinabuksan mo

Bata! Ano gusto mo na kinabukasan?
Doctor ba? Piloto ba? Engineering ba?
Ikaw lang ang pwede magisip ng kinabukasan mo
Dahil sayo yan at hindi sa iba

Ano sabi ng nanay mo? Ng tatay mo? Mga kapatid mo?
Mag abroad ba sinabi nila? Yun ba bata?
Wag mo sundin ang gusto nila bata
Sundin mo ang gusto mo, dahil sayo yan hindi sa iba

Ang kinabukasan mo, ay para sayo
Para din sa minamahal mo at para sa mga anak mo
Kaya sundin mo ang gusto mo
Para magawa mo ang gusto mo at makuha mo ang gusto mo

Bata dapat ngayon pinagiisipan mo na kung ano gusto mo
Para makakilos ka na at kumayod ka habang may magagawa ka pa
Dahil ang kinabukasan mo, ay kinabukasan din ng mga anak mo
Kaya kayod bata! Kayod!

Pag ikaw na ay nakarating sa gusto mong kinabukasan
Ibig sabihin tama ang ginawa mo
Sundin mo kung ano ang gusto mong kinabukasan
Dahil sayo yan at hindi sa iba!

Tula ni Joey Cecilia

May Pag- Asa Pa

Marami nang problema sa ating bansa
Ang mga binagyo ay basang - basa
Bakit parang wala tayong magawa
Tayo naman ay magbigay ng awa


Maraming kabataan ay puro nalang tambay
Ang iba naman ay puro tagay
Minsan sa eskwelahan ay puro kalokohan
Pero maganda naman ang kanilang kalooban


Ang sabi nila ay ang kabataan ang kinabukasan
Kaya lahat ay nagpapakita ng kabaitan
Ang isang kabataan ay kahit maliit ay makakatulong
Pag lahat ay nagtulungan tayong lahat ay makakasulong


Ang bansa natin ay puro kurakot
Kaya halos lahat ay natatakot
Tayo'y magpakatotoo at ito ay para rin sa atin
Ito ay ang simula para tayo ay makakain


Tayong lahat ay sumunod sa batas
Kahit tayo'y maliit pa at umiinom pa ng gatas
Sa panginoon parin galing ang lahat
Kaya tayo ay magpasalamat

Monologo ni Richard Mercado


Inidoro
ni Richard Mercado

Ako ay isang inidoro.
Akala niyo madali ang buhay ko?
puwes nagkakamali kayo.
. . . .

HALA! Nandyan ni si Maám!
Sa ngalan ng Sta. Maria, sana talaga hindi nanaman ako mabara.
Matigas.
Matigas siya.
Ayan na.
Dumidilim n ang paningin ko
PLOK PLOK PLOPLOKOK.
. . . GRRRGGGLLRLRLRLRLRL

Mabuti nag flush.
Nakita niyo yun.
Kayo ba gusto niyo sinasaksan ng tae sa bibig niyo?
Tae yun—TAE!
Madumi ang tae.

Hala ayan naman si Sir.
Diyos ko sir, please patamain mo naman yung ihi mo sa tamang lugar . . .
Ayan na si Junior andddddd. . . . charot!
Hindi dilaw ihi niya. Hindi puti. Berde. BERDE. HINDI NORMAL YUN.
GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRLRLRRLRL

. . .
Nakita niyo yun?
Kayo ba gusto niyong iniihian sa bibig niyo.
AY KUYA, KUYA, NAKALIMUTAN MONG MAG-FLUSH!!!!!
Hala, babaho to’ .
Oh no.
Eto na ang pinakamalala.

Alam niyo ba ang pinakakinakatakutan ng mga inidorong katulad ko?
Hindi yung matigas yung tae o abnormal ang ihi
—hindi rin yung hindi marunong mag-flush
Mga bata ang worst nightmare naming inidoro.

Ayan na siya.
Akala niyo ang bait-bait niyan.
Naku! Ayan na ang pwet.
PURORORROROROOOOTOT!!!!
BATA, PLEASE IPASOK MO SA LOOB NG INIDORO ANG KAILANGAN MONG IPASOK!
NAGKAKALAT KA AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!
GRLRGGRGRGRGLLLLLLLLLLLLL
. . . . .

Monologo - Richard Mercado


Pambansa - Richard Mercado

Pambansa - Richard Mercado


Ang skit na ginawa nang grupo naming sa Filipino ay tungkol sa pagsasalita ng Filipino na Pambansa. Si Francine Malantic ay nanghaharana gamit ang Filipino na Pambansa ngunit hindi ito naintindihan ng kanyang hinaharanahan kaya’t hindi maka-react ang hinaharanahan niya. Ang totoo kasi, hindi madaling magsalita o kung minsan ay makaintindi ng Filipino na Pambansa. Sanay tayo sa Balbal o Kolokyal na pananalita kaya sa karamihan ng tao, yun na ang kinassanayan nila.

Monologo ni Joey Cecilia


Pulis Na Sumama Sa Sindikato

Ako ay nakapatay nanaman ng mga drug pusher at nakahuli ng tatlo pa.
Ginagawa ko lang naman ang aking trabaho pero bakit nila ako binabalaan na
Papatayin nila. Ako nga ay pulis na matapang pero iba parin pag kamatayan na
Ang pinaguusapan lalo na pag sinama na nila ang iyong pamilya. Ako ay binibigyan
Ng malaking halaga. Tatanggapin ko ba ito? Nasa ospital nanaman ang aking asawa
Dahil sa panbihirang kanser na yan na ngapapahirap ng mga tao. Ito ay aking
Tatanggapin na lamang para sa aking asawa. Baka naman ako ay niloloko lang.
Ano kaya kung baliktarin ko, sila kaya ang lokohin ko. Kakampi ako sakanila tapos
Ilalaglag ko sila sa huli. Pero baka patayin naman nila ang aking pamilya na
Inaalagaan. Hindi ko pa nga nalulutas kung sinong pumatay sa aking magulang
Nang nakaraan. Tapos baka maging problema ko nanaman to. Pero kailangan
Na kaialangan ko talaga ng pera para sa aking pamilya. Dahil hindi lubos
Ang kinikita ko sa aking trabaho. Ako kaya ang mamuno ng sindikato o kaya
Ay ang kanilang protektor. Pero ang totoo niyan kahit anong mangayari ay
Papatayin parin nila ako.

Wikang Pampanitikan - Sto. Domingo

Talagang mahirap ang paggamit ng wikang pampanitikan, ang wikang ginagamit ng mga makata, tulad ni Huseng Batute, dahil mas mataas ang antas nito sa wika, at malalim ang paggamit nito.
Pero, bagay na gamitin ito sa pag-harana, dahil talagang ginagamit ito sa panligaw upang makuha ang kanilang atensyon.

P.S. Nakakaaliw pa din ang pag-crossdress.

Coca Cola

Simple lamang ang gawaing ito, isang pabasa ng Coca Cola, isang tula tungkol sa mga nakagawian na katangia ng babae, tulad ng hugis-bote ng Coca-cola, puting balat, maitim at mahabang buhok, at iba pa. Sinasabi nito na kahit walang ganitong katangian ang isang babae, babae pa rin siya, at isang tao din siya, at hindi dapat pinaliliit natin siya dahil lang sa panlabas na kaanyuan, kasi, totoo pa rin na ang nasa loob ang talagang halaga.

Monologo ni Angelo Obcemea


Angelo Obcemea                                                                                          Pebrero 26, 2013
Sr.F                                                                                                                Henry Leen Magahis
Angelo Obcemea po,
Bacoor Cavite po,
 17 na po ako sir,
Sa Town Center po nangyari ito
Ano po ang nagyari? Pasensya na po kuya pero konti lang ang naalala ko
Sige po, Pagbaba ko po doon sa terminal ng jeep, yung jeep po na pumapasok sa AVAA, dumiretso po ako sa overpass, yung malapit sa sakayan ng taxi, pag dating ko po sa kabila biglang umulan kaya napilitan akong maghintay sa ilalim ng hagdan
Opo sir ako lang po mag-isa doon
Tumagal po ako doon kasi wala masyadong jeep ng ganong oras, makalipas po ng ilang minute may biglang umakbay sa akin na lalaki, akala ko po lasing lang siya kasi naaamoy ko po yung alak, pero may naramdaman po akong matulis na bagay sa tagiliran ko, kutsilyo na pala, may binulong po siya sa tenga ko pero di ko masyado narinig kasi parang walang saysay ang sinasabi niya
Binigay ko po ang relo ko, ok lang yun kuya peke naman yun eh, hiningi po niya ang pera ko po, sabi ko po kapag binigay ko ang pera ko, di ako makakauwi
Opo sir pinalaya na po niya ako, hindi ko po nakita ang mukha niya kasi tumakbo po kasi siya agad pagatapos po niya ako holdapin

Pagpaliwanag sa Komunikasyon

Blanko ang unang post dahil ang ating iginawang presentasyon ya ang mangyayari kung mawawala sa komunikasyon ang mensahe. Importante ang mensahe, dahil kung walang mensahe na ilalahad, para ano pa ang pag-usap o ang pagdala ng liham?

Sa una, ang guro ang nagsasalita, pero walang kahulugan ang sinasabi (ngunit nalaman na natin na kahit hindi makabuluhan, komunikasyon pa ito...). Pagkatapos, binigyan ang mgy mag-aaral ng mga handouts, pero blanko ito, dahil walang mensahe ng aral dito.

Kaya kumg mawawala ang mensahe bilang parte ng komunikasyon, talagang walang kakwenta-kwenta na ito.

Tuesday, February 26, 2013

Reklamador! - Noon at Ngayon

By: Heidi B. Sarno
Suggested Title(s): Reklamador!

Wala ng nutribun.
Lumiit na rin ang biskwit na Marie,
‘di na rin makunat ang Bazooka at Nougat.
Bago na ang wrapper ng Stork,
Hati na ang sachet ng shampoo,
kasama na rin ang conditioner dito.
‘Di na uso ang almirol para sa damit,
i-Downy, Vernal, o Comfort mo na lang ang mga ito.
Ang dami na ring pampaputi ng damit, mukha, balat,
batok, siko, singit, at kilikili.

Kailangan ko ba talaga ang lahat ng mga ito?

‘Di ko na alam ang kaibahan ng umaga sa gabi,
kuba na rin ako sa pagtatrabaho, ‘di pa rin sapat ang sweldo ko.
Alipin na ako ng Meralco, PLDT, Sky cable, Sun, Smart, Globe…

Ano pa?

Alipin din ako ng ukay-ukay, midnight madness, ATM, BIR,
Credit card, LRT, MRT, PPA, E-VAT…
Dagdagan pa ng tollgate sa north expressway, south expressway, sky way at
Kung anu-ano pang way.

No way!

No way talagang magkasakit kaya
para ng botika ang cabinet ko,
may vitamin A, B, B1, B2, vitamin C, vitamin E… vitamin Z,
royal jelly, ginko biloba…
minsan may antibiotics, paracetamol, condom, at gas mask pa.
Mahirap ng maging biktima.

Maging biktima ng ano, ng malpractice?

Hindi lang ng malpractice, kundi ng
TB, Hypertension, AIDS, SARS, Bird flu, FMD, Hepa A, B, C, Anthrax, Stroke, Breast cancer, Lung cancer, Skin cancer, Brain cancer…
Eh kanser ng lipunan?
Teka kanino ko ba narinig ‘yan kay
Aguinaldo, Quezon, Laurel, Roxas, Osmeña, Quirino, Magsaysay,
Garcia, Macapagal, Marcos, Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo
O sa EDSA 1, 2, 3?

Wala na bang bago?

Ano may bago na naman bukod sa
AFP, PNP, JUSMAG, CAFGU, CIA, VFA,
Multinational, Transnational,
Kongreso, Senado, Malakanyang, Embahada ng Kano?

O sa Globalisasyon, Diskriminasyon,
Demolisyon, Industriyalisasyon, Deregulasyon,
Militarisasyon at kung anu-ano pang “syon”?

Hayyy…
Bilog pa rin ba ang mundo o tatsulok na ito?
Sino bang nasa tuktok?
Ano bang nangyayari sa bansang ito?
Ano bang mali ba sa buhay ko,
ang kaisipan ko,
ang binabasa ko,
ang naririnig ko,
ang napapanood ko?
Ito na ba ang hinahangad nating pagbabago?
Saan, Kailan, Kanino, Bakit, at Papaano

Noon at ngayon, nagrereklamo pa ang mga tao sa nangyayari sa buhay. Pero, sa tula, ipinapakita na noon, mas madali talaga ang buhay, dahil marami sa nirereklamo dito ay ang mga pagbagabong negatibo, tulad ng pagwala ng nutribun, ang paggamit ng mga fabric softener kung noon pwede pa ang almirol, ang pagtaas ng presyo ng paaraw-araw na gastusin, at iba pa. Ngayon, meron ding mga bagay na nirereklamo, tulad ng mga bagong sakit, at ang sakit ng panlipunan, tulad ng mga trapo. Pero, palagi na lang nirereklamo, ngunit walang ginagawa dpara pabutihan ito.

REKLAMADOR!

Komunikasyon - Walang Mensahe