Wednesday, February 27, 2013

Sariling Papel (Tula) - Paul Sto. Domingo


Sariling Papel

Palaging sambit ng aking mga kamag-aral
Kapag kinakailangan na ng papel:
“Sino ba ang may one-fourth?
Pahingi naman ako ng isa?”


Di ba responsibilidad nating mga mag-aaral,
na dapat palagi tayong magdala ng papel?
E, bakit madalas na nangyayari
ang paghihingi at paghahanap?


Kung ang isang maliit na papel
ay hindi mo pa madala,
paano pa kung ang papel na ito,
ay isang mahalagang kontrata?


Nasayang na panahon sa oras ng pagsusulit
Sa isang responsibilidad na dapat ay nagampanan.
Hindi naman masama ang manghingi o magbigay,
Ngunit may mga bagay na dapat tayo ang may pananagutan.


Bilang mag-aaral, magandang simulain
Ang pagdadala ng gamit sa ating pag-aaral.
Disiplina at responsibilidad ay kailangan
Upang tagumpay ay ating makamtan.

No comments:

Post a Comment