Wednesday, February 27, 2013

Monologo - Paul Sto. Domingo



Tama o mali? Sino ang may sala? Mga tanong na kay hirap sagutin, di ba? Higit sa lahat, paano ko ipagtatanggol at bibigyan ng katarungan ang aking hinahawakang kaso?

Haaayyy… Bagong abogado lang ako! Mabuti na lang at nakakuha ako ng sapat na ebidensiya upang ipagwalang-sala ang aking kliyente. Ganon!

Ngunit, ako' y nagulat sa aking nalaman...

Hindi pala ang aking kliyente ang nagmamaneho ng sasakyan nang ito'y makasagasa ng bata at sawingpalad na namatay. Pero, bakit nya sinabing siya ang nagmamaneho at dinahilan ang kanyang pagkalasing kaya't di nya napansin ang pagtawid ng bata? Hmmm..? 

Yun pala, kasama nya ang binatilyo nyang anak nang gabing iyon at sila ay dumalo sa isang kasiyahan. Napasobra daw ang inom nya ng alak kung kaya't inutusan nyang magmaneho ang kanyang anak. Nakupo! E, labing-anim na taong gulang pa lang yung anak nya at wala pang lisensya! Utusan bang magmaneho!?

Kaya, nang makaaksidente, bilis-bilis na nagpalit sila ng upuan sa kotse, at nang dumating ang pulis upang mag-imbistiga ay sinabi ng aking kliyente na siya ang nakabangga.

Paano na ngayon? Paano ko ipagtatanggol ang aking kliyente kung alam ko na ang totoong pangyayari?

Nasaan ang hustisya? Sino ang tunay na may sala?!

No comments:

Post a Comment