Tuesday, February 26, 2013

Reklamador! - Noon at Ngayon

By: Heidi B. Sarno
Suggested Title(s): Reklamador!

Wala ng nutribun.
Lumiit na rin ang biskwit na Marie,
‘di na rin makunat ang Bazooka at Nougat.
Bago na ang wrapper ng Stork,
Hati na ang sachet ng shampoo,
kasama na rin ang conditioner dito.
‘Di na uso ang almirol para sa damit,
i-Downy, Vernal, o Comfort mo na lang ang mga ito.
Ang dami na ring pampaputi ng damit, mukha, balat,
batok, siko, singit, at kilikili.

Kailangan ko ba talaga ang lahat ng mga ito?

‘Di ko na alam ang kaibahan ng umaga sa gabi,
kuba na rin ako sa pagtatrabaho, ‘di pa rin sapat ang sweldo ko.
Alipin na ako ng Meralco, PLDT, Sky cable, Sun, Smart, Globe…

Ano pa?

Alipin din ako ng ukay-ukay, midnight madness, ATM, BIR,
Credit card, LRT, MRT, PPA, E-VAT…
Dagdagan pa ng tollgate sa north expressway, south expressway, sky way at
Kung anu-ano pang way.

No way!

No way talagang magkasakit kaya
para ng botika ang cabinet ko,
may vitamin A, B, B1, B2, vitamin C, vitamin E… vitamin Z,
royal jelly, ginko biloba…
minsan may antibiotics, paracetamol, condom, at gas mask pa.
Mahirap ng maging biktima.

Maging biktima ng ano, ng malpractice?

Hindi lang ng malpractice, kundi ng
TB, Hypertension, AIDS, SARS, Bird flu, FMD, Hepa A, B, C, Anthrax, Stroke, Breast cancer, Lung cancer, Skin cancer, Brain cancer…
Eh kanser ng lipunan?
Teka kanino ko ba narinig ‘yan kay
Aguinaldo, Quezon, Laurel, Roxas, Osmeña, Quirino, Magsaysay,
Garcia, Macapagal, Marcos, Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo
O sa EDSA 1, 2, 3?

Wala na bang bago?

Ano may bago na naman bukod sa
AFP, PNP, JUSMAG, CAFGU, CIA, VFA,
Multinational, Transnational,
Kongreso, Senado, Malakanyang, Embahada ng Kano?

O sa Globalisasyon, Diskriminasyon,
Demolisyon, Industriyalisasyon, Deregulasyon,
Militarisasyon at kung anu-ano pang “syon”?

Hayyy…
Bilog pa rin ba ang mundo o tatsulok na ito?
Sino bang nasa tuktok?
Ano bang nangyayari sa bansang ito?
Ano bang mali ba sa buhay ko,
ang kaisipan ko,
ang binabasa ko,
ang naririnig ko,
ang napapanood ko?
Ito na ba ang hinahangad nating pagbabago?
Saan, Kailan, Kanino, Bakit, at Papaano

Noon at ngayon, nagrereklamo pa ang mga tao sa nangyayari sa buhay. Pero, sa tula, ipinapakita na noon, mas madali talaga ang buhay, dahil marami sa nirereklamo dito ay ang mga pagbagabong negatibo, tulad ng pagwala ng nutribun, ang paggamit ng mga fabric softener kung noon pwede pa ang almirol, ang pagtaas ng presyo ng paaraw-araw na gastusin, at iba pa. Ngayon, meron ding mga bagay na nirereklamo, tulad ng mga bagong sakit, at ang sakit ng panlipunan, tulad ng mga trapo. Pero, palagi na lang nirereklamo, ngunit walang ginagawa dpara pabutihan ito.

REKLAMADOR!

No comments:

Post a Comment